Song: | Gitna |
Singer: | NOBITA |
Music: | NOBITA |
Lyrics: | NOBITA |
Gitna Lyrics
Unti-unting lumiliwanag ang nakikita
‘Di mapakali’t hiwaga ay nagpakita
‘Di mapigil ang patak ng luha sa pisngi ko
Unti-unting nananabik sa paglapit mo
At hindi mapigil ang sabik sa paghakbang mo
Damdamin ko’y nagsusumigaw
Dalangin ko’y ikaw
Tayong dalawa, langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Ihip ng hangin sa ‘tin ay nagkusa
May binibiling ang mundo’y para sa ‘tin
Unti-unting lumiligaya sa nakikitang
‘Di masukat na biyaya kong kayakap
Damdamin ko’y nagsusumigaw
Dalangin ko’y ikaw
Tayong dal’wa’y langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Ihip ng hangin sa ‘tin ay nagkusa
May binibiling ang mundo’y para sa ‘tin
Tumigil man ang pag-ikot ng mundo’y hindi titigil
Ang damdamin ko’y nagsusumigaw
Dalangin ko’y ikaw
Tayong dalawa, langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Tayong dalawa, langit at lupa
Naging isa, nagtagpo sa gitna
Ihip ng hangin sa ‘tin ay nagkusa
May binibiling ang mundo’y para sa ‘tin
Tayong dalawa
Tayong dalawa