yakal-lyrics-sud


Song: Yakal
Singer: SUD
Music: SUD
Lyrics: SUD

Yakal Lyrics

Pasensya na kung lumalamig na
Ang pwesto ko sa ‘yong kama

Hinahanap ka nila sa ‘kin
Ba’t biglang ‘di ka nakikita
Sa t’wing dumarating, parang may kulang
‘Di na ba ako isang tao lang?

At ‘di ko pa nasabi
Sa alagang nangungulila
Hinihintay ka lagi
Umaasang babalik

Pasensya na kung lumalamig na
Pwesto ko sa ‘yong kama
Kung naiisip mo pa rin ako
Naiisip pa rin kita

Dahan-dahan at ‘di magmamadali
Na bibitawan, mga alaalang nakangiti ka sa ‘kin

Pati ang pisngi na laging pisil
Pati ang yakap mong malambing
Na laging hanap sa pag-uwi
‘Di na maibabalik

Pasensya na kung lumalamig na
Pwesto ko sa ‘yong kama
Kung naiisip mo pa rin ako
Naiisip pa rin kita

Pasensya na kung lumalamig na
Pwesto ko sa ‘yong kama